-- Advertisements --

Naka-buwena manong panalo ang Alaska Aces sa pagsisimula ng 2021 PBA Governors’ Cup.

Tinalo kasi nila ang NorthPort 87-85 sa laro na ginanap sa Ynares Sports Arena sa lungsod ng Pasig.

Nanguna sa panalo ng Aces si Olu Ashaolu na nagtala ng 20 points at 14 rebounds habang mayroong 19 points si Jeron Teng.

Nasayang naman ginawang 23 points ni Arwind Santos ng NorthPort.