Pangungunahan ng Pop phenomenon na si Dua Lipa at tennis legend na si Roger Federer ang hosting sa Met gala ngayong taon na may temang “In honor of Karl lagerfeld’.
Magbibigay pugay sa yumaong si Karl Lagerfeld, isang top designer sa loob ng ilang dekada at namuno sa mga major houses kabilang ang Chanel, Fendi, Balmain at Chloe pati na na rin ang kanyang sariling eponymous label.
Ang glamorous night kasama ang mga brightest stars sa mundo ng entertainment parade kasama ng metropolitan Museum of art ng New york at sasamahan pa ng exhibit sa costume institute ng museo.
Sa taong ito, itatampok ang palabas na “Karl Lagerfeld: A Line of Beauty,” at nakatakda ring isama ang mga 150 designs at mga sketches ng German designer.
Matatandaan na ang Met-gala ay unang ginanap noong 1948 at sa loob ng ilang dekada ay talagang namayagpag. Ang high priestess fashion na si Wintour ang pumalit sa show noong 1995 at ginawang catwalk ang party para sa rich- famous at social media extravaganza.