LEGAZPI CITY – Naiproklama na ng Comelec Provincial Board of Canvassers sa Albay para sa ikalawang termino sa parehong posisyon si incumbent Governor Al Francis Bichara sa sangguniang panlalawigan session hall ng Provincial Capitol.
Landslide victory ang gobernador sa 292,767 na boto o 53.24% total votes cast matapos na maungusan ng higit 150,000 na boto ang kalaban at Vice-Governor Harold Imperial.
Panalo rin ang runningmate ni Bichara na si Atty. Edcel Greco Lagman sa 360,013 na boto o 65.70% ng total votes cast.
Naiproklama na rin ang ten-seat provincial board members kung saan tatlo para sa unang distrito, 3 sa ikalawang distrito at apat sa ikatlong distrito.
Uupo sa pwesto sina incumbent Board Member Rey Bragais, Victor Ziga Jr. at nagbabalik na si Baby Glenda Bongao sa unang distrito.
Sina BM Rolly Rosal, new comer Legazpi City councilor Melissa Abadeza at dating BM Neil Montallana para sa ikalawang distrito.
At sina BM Jesap Salceda, BM Dante Arandia, BM Eva Ribaya at BM Pem Imperial sa ikatlong distrito na pawang incumbent officials.
Kasabay na iprinoklama sa parehong seremonya sina 1st District Congressman Edcel Lagman at 3rd District Congressman Fernando Cabredo.
Nabatid na nasa 840,500 ang kabuuang rehistradong botante sa Albay habang nasa 79.24% ang voter’s turnout.