LEGAZPI CITY – Umaasa ang Albay Provincial Health Office (PHO) na pumayag ang mga management ng malls na maglagay ng thermal scanners para mabilis na makita ang mayroong mga posibleng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Aniya kahit na wala pa ring kumpirmadong kaso ng naturang virus sa probinsya, pinatitiyak lang ng opisina na mahigpit itong mababantayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay PHO head Dr. Antonio Ludovice, nakadeploy ang Task Force COVID – 19 sa mga terminal, paliparan at pantalan para sa hakbang lalo na sa lungsod ng Tabaco.
May team naman na nagmo-monitor sa loob ng malls ngunit mas maganda aniya kung umiwas sa sakit.
Ibinahagi rin ni Ludovice na dati ng may kumakain ng fruit bats o paniki sa Rapu-Rapu ngunit hindi na tiyak kung ginagawa pa ang practice ng pagluluto nito.
Ang paniki at iba pang exotic na pagkain ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pagkalat ng nasabing virus.