LEGAZPI CITY – Nagsisimula ng maka-recover ang Albay matapos maapektuhan ng serye ng mga bagyo partikular na ang Quinta, Ulysses at Rolly.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) chief Dr. Cedric Daep, kaya nang maka-recover sa pamamagitan ng non-cash income.
Subalit sinisimulan pa lamang ang pag-recover sa sektor ng imprastraktura kung saan short-term pa lamang ang kaya dahil kailangan ng mahigit tatlong taon para sa complete rehabilitation.
May bentahe rin aniya sa recovery sa sektor ng edukasyon at kalusugan ang pandemya dahil virtual pa ang klase at hindi pa gaanong kaylangan ang mga nasirang classroom.
Pagdating naman sa sektor ng agrikultura ay kaylangan ng hanggang anim na buwan upang makabawi maliban na lamang sa coconut industry na isang taon ang recovery.
Samantala, patuloy naman ang tulong ng mga partners sa United Nations sa pagrecover ng lalawigan.