LEGAZPI CITY – Patuloy na naka-monitor ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa lahar deposits sa Bulkang Mayon kaugnay ng pinangangambahang epekto ng bagyong Tisoy.
Ayon kay APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, mas mapanganib ang epekto ng pagdausdos ng deposits sa mga river channels dahil posibleng sumabay ito sa malakas na buhos ng ulan.
Paliwanag ng opisyal na nasa 60mm/hour ang rainfall threshold na kayang makapag-mobilize ng lahar.
Dahil dito sinabi ni Daep na pinaghahandaan na ng lalawigan ang worst case scenario sa naturang sama ng panahon kahit pa magpauloy ang paghina ng bagyong Tisoy upang masiguro na ligtas publiko.
Salantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko na maulit ang naging epekto ng bagyong Reming noong taong 2006 dahil malaki aniya ang pagkaaiba nito.
Samantala, sa pinakahuling tala ng Coast Guard District Bicol, umabot na sa 2,403 na mga pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa lalawigan, 569 na rolling cargoes at 20 vessel.