-- Advertisements --
Cagsawa Mayon Volcano

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Provincial Environment and Natural Resources Office Technical Services Division ang sinasabing pagrelease ng permit sa pag-akyat sa Bulkang Mayon ng grupo ng mga hikers noong Oktubre 20.

Ibinahagi pa ng isang Harold Borja sa social media ang video ng backdoor mountaineering climb at ang resibo na mula sa opisina.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PENRO TSD Officer in-charge Jerry Arena, Oktubre 9 ng makatanggap sila ng email mula kay Borja na humihingi ng consent sa photoshoot sa may bahagi ng naturang bulkan.

Nakalagay pa rito na susunod ang grupo sa mga ordinansa sa gagawang aktibidad kasabay ng pagpapalipad ng drone camera sa bahagi ng Mayon Camp 1.

Laman pa ng sulat na hindi magsasagawa ng summit climb at overnight ang grupo na ayon sa provincial ordinance sa Albay.

Bilang isang mountaineer, aminado ang opisyal sa panganib sa bulkan subali nasa Nueva Ecija umano ito ng dumating sa naturang opisina ang sulat at kakabalik pa lamang ngayong linggo.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin ng PENRO ang naturang insidente.