LEGAZPI CITY – Aminado ang Albay Provincial Health Office (PHO) na hindi maiwasang mabahala para sa kalusugan ng mga naga-avail ng Balik-Probinsiya Porgram sa pamamagitan ng Albay Libreng Sakay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay PHO head Dr. Antonio Ludovice, nananatili aniya ang positibilidad na virus carrier ang isa sa mga ito na hindi agad mararamdaman ang sintomas dahil sa pagiging asymptomatic.
Dapat aniya na sa Baclaran Church pa lamang sa ParaƱaque, isailalim na ang mga ito sa rapid testing.
Nabatid naman na idi-diretso ang mga ito sa quarantine facility ng mga local government unit sa pagdating pa lamang, para sa pitong araw na quarantine o posibleng umabot pa ng 14 na araw na nakadepende sa ibinabang protocol na chief executives.
Sa naturang lugar na rin isasagawa ang pagberepika ng health status kung saan handa ang PHO na tumulong sa mga municipal o city health personnel.
Samantala, tinitingnang isa sa magiging problema ang pagsobra sa quarantine facility kung patuloy pang tataas ang naga-avail ng programa kaya rekomendasyon sa mga LGU na magtalaga ng karagdagang pasilidad para sa pag-hold ng mga ito.