-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Patuloy ang pagtatrabaho ng provincial government ng Albay upang maisakatuparan ang pagnanais na tuluyang pag-shift sa renewable energy.

Ayon kay Albay Provincial Planning and Development Head Arnold Onrubia sa panayam ng Radyo Legazpi na target ng lalawigan na magin renewable energy hub ng bansa pagdating ng 2030.

Nabatid na kabilang na sa sustainable development goals ng ilang mga bansa ang pagkakaroon ng renewable energy.

Matatandaan na lumabas sa mga pag-aadal na malaki ng potensyal ng Albay sa renewable energy kung saan kabilang pa sa mga tinututukan ang geothermal energy at wind energy.

Aminado ang opisyal na hindi madaling maisakatuparan ang plano subalit kakayanin umano ito sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag collaborate sa ilang mga ahensya at mga organisasyon.

Ayon kay Onrubia na target na ma-explore ang lahat ng opsyon upang ma-secure ang renwable energy lalo pa ngayon na malaki ang suliranin ng Albay sa suplay ng kuryente.