-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng pasasalamat si Albay Governor Grex Lagman sa mga rescuers at volunteers na tumutulong sa nagpapatuloy na retrieval operations ng Cessna 340A plane victims.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Governor Lagman, sa susunod na linggo, sakaling matapos na ang operasyon, magsasagawa ang provincial government ng awarding ceremony upang bigyang pagkilala ang lahat ng mga tumulong sa search and retrieval.

Magbibigay rin ang gobyerno ng cash incentives subalit hindi na muna inihayag kung ilan ito.

Umaasa naman ang gobernador na matatapos na ngayong araw o sa Martes ang pagbaba sa bangkay ng apat na sakay ng bumagsak na eroplano.

Nabatid na pahirapan pa rin sa ngayon ang pagbaba sa Bulkang Mayon dahil sa patuloy na mga pag-ulan na lubhang mapanganib para sa mga rescuers.

May posibilidad kasi na lumambot at bumagsak ang lupa o magkaroon ng rockfall events sa bulkan na kasalukuyang nasa Alert level 2.