-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ng provincial government ng Albay ang plano, mga dokumento at iba pang requirements na kailangan para sa expansion ng Bicol International Airport (BIA) sa Barangay Alobo, Daraga, Albay.

Ayon kay Provincial Planning and Development Office Head Arnold Onrubia sa Bombo Radyo Legazpi, mayroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Albay Provincial Government at Department of Transportation para sa pagpapalawig ng nasabing paliparan.

Nagkaroon na umano sila ng pag-uusap kasama si Albay Governor Grex Lagman, Albay Provincial Human Settlement Office at ng Albay Provincial Cooperative, Enterprise and Manpower Development Office (APCEMDO).

Nabuksan na sa nasabing pag-uusap ang papel ng mga opisina upang maging “smooth” ang proseso sa pagjuha ng clearance mula sa Mines and Geosciences Bureau.

Inaasahan naman ng Provincial Engineer’s Office na maibibigay na ang topographic map ng Bicol International Airport na isa sa hinihinging dokumento sa pag-apply ng clearance.

Base sa isinagawang meeting, tatlong barangay ang maapektuhang ng nasabing expansion kasama na ang Brgy. Burgos sa bayan ng Daraga, Brgy. Maninila at Brgy. Del Rosario sa bayan ng Camalig.

Kaugnay nito, tinatayang nasa 43 hanggang 65 household ang kinakailangan ng relokasyon at kailangang mabigyan ng livelihood assistance.

Una na nito ng makatanggap ang Provincial Government ng Albay ng P180-M cash assistance mula sa Department of Trasportation (DOTr).