-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naglilibot ngayon ang Albay Provincial Library and Information Center sa mga evacuation centers upang magsagawa ng mga aktibidad na magpapaagaan ng pinagdadaanan ng mga kabataang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Amylen Nuyles ang head ng Albay Provincial Library and Information Center, isa-isang pinupuntahan ng kanilang team ang mga evacuation centers upang magsagawa ng aktibidad na magpapasaya sa mga kabataan kagaya ng mga palaro at pagbabasa ng libro na tinatawag na “Kwentohan sa Baryo, Halina Kayo”.

Namimigay rin ng mga schools supplies kagaya ng coloring books, mga pangkulay, papel, lapis, reading books at iba pa na labis naman na ikinatutuwa ng mga bata at ng kanilang mga magulang.

Binigyang din ni Nuyles na hindi maaaring pabayaan ang mga kabataan na isa sa mga pinakanaapektohan ngayon ng mahigit sa isang buwan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Sa ngayon ay nakapaglibot na ang team ng Albay Provincial Library and Information Center sa mga evacuation centers sa mga bayan ng Sto. Domingo, Camalig at Daraga habang plano pa nitong bisitahin ang iba pang mga bayan na may Mayon evacuees.