-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Puspusan na ang paghahanda ng pambato ng Albay sa grand coronation ng Binibining Pilipinas sa Hunyo.

Aminado si Jash Dimaculangan, tubong Legazpi City na mas malaki ang pressure para sakanya matapos ma-postpone ang coronatio sa loob ng mahigit isang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jash, may mga schedule na sila para sa meetings at pre-pageant activities na posibleng karamihan ang virtual, kaya umaasa itong matutuloy na ang event.

Hindi naman ito huminto sa mga trainings sa ilalim ng Kagandahang Flores camp.

Itinuturing naman ni Jash na magandang dulot ng pandemic sa paghahanda na mas nakilala pa ang sarili.

Samantala, nakiusap naman ang Bicolana beauty sa mga kapwa Pilipino suportahan ang laban ni Rabiya Mateo sa Miss Universe.

Dahil virtual ang event ay hindi umano makakatulong ang mga pambabash.