Iminumungkahi ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda na hindi na dapat gawing requirements ang pagkuha ng Police, NBI clearances para sa trabaho.
Ito ay kasunod sa pangamba sa data breach sa computer system ng mga law enforcement agencies.
Binanggit ni Salceda ang kamakailang ulat ng data breach na naglantad sa personal na data ng humigit-kumulang isang milyong Pilipino na “naimbak sa isang nakalantad at nakompromisong database ng Philippine National Police (PNP).
Punto ni Salceda na hindi dapat nasa negosyo ng PNP at iba pang law enforcement agencies ang pag-iimbak ng personal data ng mga mamamayang masunurin sa batas.
“Frankly, the PNP and other law enforcement agencies should not be in the business of storing the personal data of law-abiding citizens. And besides, that distracts from their law enforcement functions,” pahayag ni Salceda.
Binigyang-diin ni Salceda na sa halip na ilagay sa mga ordinaryong mamamayan na masunurin sa batas ang “hassle and expense of clearances, pati na rin ang panganib ng data breach, dapat gawin na ring normal due diligence ito para sa mga employer.
Dagdag pa ng house tax chief,” Otherwise, you have a system where no good deed goes unpunished. For following the law, you are hassled with having to prove it. That’s insane.We can frankly abolish these clearances for most cases.”
Sinabi ni Salceda na ang mga clearance na ito ay maaaring alisin upang makatulong na mabawasan ang personal na pagkolekta ng data.
“Talagang walang saysay” na hilingin sa mga naghahanap ng trabaho na magsumite ng mga clearance, bukod sa mga gastos na kaakibat nito “at ito ay isang pag-aaksaya ng oras para sa mga employer,” wika ni Salceda.
Sa kabilang dako, nanawagan naman si Salceda sa National Telecommunications Commission at National Privacy Commission na siguraduhin na lahat ng data na kanilang nakolekta sa ilalim ng SIM Card Registration Law ay dapat mabantayan ng maigi at secured ito.
“SIM Card registries will be the largest source of personal data in the country. So, they will be targets. I call on the NTC and the NPC to make the necessary reviews and proactive measures to ensure that a similar data breach will not take place in SIM registries,” ayon kay Cong. Salceda.