-- Advertisements --

Naniniwala si House Ways and Means chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na napapanahon na ang paggawad ng “special powers” kay Pres. Ferdinand Marcos Jr. upang mabawasan ang epekto ng “inflation.”

Binigyang-diin ni Salceda, patuloy niyang isusulong ang kanyang House Bill 2227 o Bangon Bayan Muli o BBM Act kung saan ang Pangulo ay pagkakalooban ng kapangyarihan para matugunan ang mga isyu sa presyo at supply ng mga produkto.

Sinabi ni Salceda, na maituturing kasi lna urgent ito, lalo at mas “structural” at maliwanag ang mga sanhi ng inflation.

Ipinunto ng economist solon na mismo ang economic managers ang naghayag na halos naubos na kung ano ang maaari pang gawing “monetary policy” upang mapababa ang mga presyo.

Maliban naman sa special powers, nakasaad sa BBM Bill ni Salceda ang mga sumusunod: Anti-hoarding powers, Pagbibigay insentibo sa produksyon ng mga “essential” na produkto, Kapangyarihan para makapagbigay ng loans at guarantees sa suppliers ng mga produkto; Anti-price-gouging powers (gaw-jing) Transport emergency powers, Pag-mobilize sa uniformed personnel para mapabilis ang infrastructure projects, at Bumuo ng inter-agency working group o taskforce.

Ang BBM Bill ay nakabinbin pa rin sa House Committee on Economic Affairs.

Sa kabilang dako, para kay Pangulong Ferdinand Marcos na hindi kailangan ng special powers para tugunan ang inflation.

Aniya, may mga hakbang na ginagawa ngayon ang gobyerno para tugunan ang patuloy na pagtaas ng inlaflation.