Nagpadala na umano si PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde ng mga pulis sa Batanes upang magbigay ng seguridad at tumulong sa retireval operations matapos ang pagtama ng dalawang malakas na lindol sa lalawigan.
Nagpaabot na rin si Albayalde ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng mga biktima sa bayan ng Itbayat na napuruhan ng pagyanig.
“We offer our sincere condolences for the families of those who lost their love ones during the earthquake in Batanes. We send our prayers for healing of those who were injured. I have ordered our policemen to provide security in all areas and mobilize to help in retrieval operations,” saad sa pahayag ni Albayalde.
Unang tumama dakong alas-4:00 ng umaga ang magnitude-5.4 na lindol, na sinundan naman ng mas malakas na 5.9-magnitude pasado alas-7:00 ng umaga.
Nasa walong katao ang nasawi sa Itbayat at 60 iba pa ang sugatan.
Sinabi pa ni Albayalde, dapat umanong magtulungan ang mga mamamayan ng bansa upang itayong muli ang isa sa mga pinakainiingatang tourist destinations ng kapuluan.
“The place and its peace loving people has been host to many tourist locally and internationally. At this most challenging time, we offer our help and together, we will help rebuild their lives again.”
“At this most challenging time, we offer our help and together, we will help rebuild their lives again,” dagdag nito.