-- Advertisements --
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Dumepensa si PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde sa rape joke ng Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation ceremony ng PMA Mabalasik Class 2019 noong Linggo.

Sinabi ni Albayalde na malinaw na biro lang ang sinabi ng Pangulo na patatawarin niya ang mga kadete sa kasong rape.

Sinabi ni Albayalde na ang pagpapatawad sa mga offenses ng mga kadete ay bahagi na ng tradisyon sa PMA.

Pero nilinaw ni Albayalde na sakop lang ng “pardon” na ito ang mga administrative offenses tulad ng excess demerits.

Paliwanag ni Albayalde, walang mga kriminal na kaso ang mga kadete ng PMA, dahil kung meron man ay agad na tatanggalin ang mga ito sa akademiya.

Kaya alam ng lahat ng mga kadete at maging ang mga nagtapos sa PMA na nagbibiro lang ang Pangulo.

Dagdag pa ni Albayalde, walang karapatan ang sinuman na kwestiyunin ang istilo ng pagbibiro ng presidente.
Top