Umalma si PNP Chief Oscar Albayalde sa pahayag ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) patungkol sa umano’y paglabag ng mga karapatang pantao sa bansa.
Ayon kay Albayalde, wala silang natatanggap na reklamo ng human rights violations, lalo na sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga, maging sa pagpapatupad ng mga city ordinances.
Hinimok ni Albayalde ang UNHRC na bumisita sa bansa para makita nito ang tunay na kondisyon sa bansa.
Apela ni PNP chief sa konseho na huwag basta-basta kumuha ng impormasyon na walang katototohanan.
Inihayag din nito na ang PNP ay may mga hakbang at aksiyon na ring ginagawa laban sa mga pulis na lumalabag sa karapatang pantao.
Sa katunayan aniya, may mga pulis nang sinibak sa puwesto dahil sa paglabag sa nasabing kaso.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi nila kinukunsinti ang kanilang mga kasamahan na lumalabag sa human rights.