Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde na kaniyang pipirmahan ang posibleng dismissal order laban sa grupo ni Maj. Rodney Baloyo.
Si Baloyo ay dating tauhan ni Albayalde, noong nakatalaga pa lamang ito sa probinsya ng Pampanga.
Sa pagtatanong ni Sen. Panfilo Lacson, nagbigay ng kasiguruhan ang pinuno ng PNP na hindi siya mag-aatubiling sibakin ang isang pulis, kung may sapat na basehan.
Matatandaang tumawag si Albayalde sa dating Police Regional Director (PRD) noon na si PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino para alamin ang status ng kaniyang mga “bata” o tauhan.
Ito ang isa sa naging dahilan para makaladkad ang pangalan ni Albayalde sa iusapin ng ninjq cops.
Samantala, ipinakukulong na rin ng Senate committee on justice at blue ribbon ang isa pang pulis na iniuugnay sa mga drug recycling o binansagang ninja cops.
Partikular na nais ipiit ng mga senador si SPO1 Ronald Santos na una nang ipinatawag sa pagdinig ngunit hindi ito humaharap.
Dahil dito, na-cite in contempt si Santos sa hearing.
Inaasahang ikukulong itong kagaya ng kanilang head sa raiding team na si Maj. Rodney Baloyo sa New Bilibid Prisons.