-- Advertisements --
Ibinalik na ng Facebook ang classic album cover ng Led Zeppelin matapos na ito ay kanilang suspendihin ng ilang araw.
Makikita kasi sa cover ng British rock band ng 1973 album nila na “Houses of the Holy” ang mga batang babae na nakahubad habang umaakyat sa Giant Causeway sa Northern Ireland.
Kinansela ito ng Facebook sa page ng Ultimate Classic Rock fan site dahil sa paglabag daw ng kanilang policy.
Ang nasabing album cover ay ginawa ng British design group Hipgnosis na makikita ang larawan ng magkapatid na Stefan at Samantha Gates.