-- Advertisements --

Naidepensa ni Carlos Alcaraz ang kaniyang Wimbledon title ngayong taon.

Ito ay matapos na talunin niya sa finals si Novak Djokovic.

Nakuha ni Alcaraza ang straight set na panalo 6-2 6-2 7-6 (7-4).

Siya ang unang Spaniard na matagumpay na naidepensa ang Wimbledon crown.

Ang 21-anyos na Spanish tennis star ay nagwagi na ng apat na grand slams kung saan lahat ng sinalihan niya ay nagtagumpay siya.

Dalawang beses na rin niya itong tinalo si Djokovic.

Pinuri naman ni Djokovic si Alcaraz dahil sa matinding laban na ipinakita nito.