-- Advertisements --

Umakyat na sa 34 ang patay sa nangyaring mass poisoning dahil sa iligal na alcohol sa southwest Russia.

Maliban sa namatay, nasa 24 naman ang nananatiling nasa pagamutan.

Umabot naman sa 10 katao ang nakakulong dahil sa produksyon at pagbebenta ng iligal na alcohol.

Sa ngayon, sinimulan na ng pulisya ang imbestigasyon kaugnay sa poisoning.

Pito sa mga nadala sa hospital ang nasa masamang kalagayan kung saan apat sa kanila ay nasa ventilators.