Pinabulaanan ni Alden Richards ang mga kumakalat na pekeng quote cards sa social media kung saan nakapaloob dito ang mga hindi totoong opinyon niya umano sa mag-ex na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa isang panayam, sinabi ni Alden na kahit kailan ay hindi raw siya nag-komento ng defamatory words sa taong hindi naman daw niya masyadong nakakasama.
Dahil dito, pinayuhan ng aktor ang publiko na mag-ingat sa social media dahil pugad umano ito ng fake news.
Mas mabuti aniyang mag-fact check muna bago maniwala sa mga nakikita online lalo na kung hindi naman daw opisyal na account ng artista ang nag-post.
Makailang ulit na ring nili-link ang aktor kay Kathryn Bernardo matapos makitang magkasama sa ilang mga okasyon.
Nitong buwan nga ay pinarangalan ang dalawa bilang Box Office King and Queen sa katatapos lamang na 2024 Box Office Entertainment Awards.