-- Advertisements --

Pansamantalang nag-deactive ng kaniyang Twitter account ang actor na si Alec Baldwin.

Kasunod ito ng pakikipagsagutan niya sa mga followers nito tungkol sa pagkakaroon umano ng Spanish blood ng kaniyang asawang si Hilaria.

Umani kasi ng batikos ang asawa ng actor dahil umano sa pamemeke niya ng kaniyang Spanish accent.

Ipinagmalaki pa umano nito na isinilang siya sa Isla Mallorca Island sa Spain.

Dahil sa pagtatanggol ng actor sa kaniyang asawa ay minabuti na lamang nito na mag-deactivate ng account.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagalit ang actor dahil noong 2017 ay umani ito ng batikos dahil sa komento nito sa sexual harrassment sa kasagsagan ng #MeToo movement.