Pinabulaanan ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang alegasyon ng China na paglalagay sa isa sa pinakamalaki at pinakamodernong barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua bilang panibagong permanenteng outpost ng Pilipinas sa pinaga-agawang karagatan.
Ayon sa opisyal, pinapanatili ng PCG vessel ang presensiya nito sa parte ng West Philippine Sea na Escoda shoal sa loob ng mahigit 2 buwan na.
Anuman aniya ang dalhin ng PH sa BRP Teresa Magbanua, walang awtoridad dito ang China para magkomento o batikusin ang ginagawa nating efforts.
Sinabi din ni Comm. Tarriela na hindi dapat pakinggan pa kung anuman ang mga sinasabi ng China.
Muling iginiit ng opisyal na ang layunin ng BRP Teresa Magbanua ay isulong ang national interest ng Pilipinas at protektahan ang ating posisyon sa Escoda shoal.