Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang legal na basehan ang alegasyon ng China na panghihimasok ng barkong pandigma ng PH Navy na BRP Conrado Yap sa may katubigan ng Scaborough shoal noong Oktubre 30.
Sa isang statement, sinabi ng DFA na layunin lamang ng naging pahayag ng Southern Theater Command ng Chinese People’s Liberation Army na palalain ang tensiyon sa West PH Sea.
Ipinaliwanag pa ng ahensiya na ang pagsasagawa ng maritime patrols ng PH sa katubigan sa Bajo de Masinloc ay lehitimo at nakagawian na ng isang sovereign country sa loob ng territoryo nito at mga karagatan gayundin parte na ito ng administratibong responsibilidad ng PH.
Muling iginiit din ng DFA na hindi obligasyon ng PH bilang isang malayang estado na humingi ng pag-apruba ng ibang bansa kapag naglalaya sa sarili nitong karagatan.
Una rito, sinabi ng militar ng China na iligal umanong pumasok ang barko ng Pilipinas malapit sa Scarborough shoal nang hindi awtorisado at hinimok ang bansa na agad na itigil ang umano’y probokasyon nito.
Subalit sa panig ng bansa, partikular ng DFA, nanindign ito na ang Bajo de Masinloc ay isang mahalagang parte ngteritoryo ng bansa kung saan may soberanya at hurisdiksiyon salig na rin sa iginawad na 2015 Arbitral Award sa PH.
Ang claim din aniya ng Chin sa historic rights sa rehiyon ay taliwas sa nakasaad sa UNCLOS kung saan ang China ang siyang nanghihimasok sa mga katubugan ng PH.