-- Advertisements --
House Congress
House of Representatives

Sa kabila ng apela ng ilang mambabatas na itigil na ang word war sa issue sa 2020 budget, muling binuweltahan ni House Deputy Speaker for Finance Lray Villafuerte si Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi ni Villafuerte na noong una ang akala nila ay nagkaroon lamang ng “political misunderstanding” sa pagitan ng mga kongresista at senador, subalit ang lumalabas ngayon aniya ay hangad talaga ni Lacson na sirain ang reputasyon ng Kamara bilang institusyon.

Pinaparatangan aniya ni Lacson ang mga kongresista ng pagsingit ng ilang bilyong pisong pork barrel sa 2020 proposed national budget para lamang pagandahin ang imahe ng Senado kapalit ang paninira naman sa liderato ng Kamara.

Ayon kay Villafuerte, nauna nang sinabi ni Lacson na beberipikahin nito ang kanyang hawak na impormasyon sa kanyang source pero lumalabas aniya sa ngayon na pawang haka-haka at produkto ng imahinasyon lamang ito.

“If it was a movie script not only will it not sell , the plot from the start will not even qualify even as a fantasy movie , not even a comedy,” ani Villafuerte.

Kung talaga aniyang naniniwala ang senador sa source nito, marapat lamang ayon kay Villafuerte na magbigay ito ng detalye kung kailan at saan naisingit ang sinasabing pork barrel.

“Again it’s coming from a polluted source with the intention to malign me, Speaker Alan and worse the house as an institution . The storyteller in this drama they are producing should have more credible and believable details otherwise it will backfire on them which is already happening,” dagdag pa nito.

Kasabay nito ay binigyang-diin ni Villafuerte na pork-free at walang anumang illegal insertions sa inaprubahang General Appropriations Bill ng Kamara noong nakaraang linggo.

“Also we would like to emphasize that the 18th Congress under the leadership of speaker Alan has been passing bills in record breaking times quality measures without sacrificing extensive debates and discussions in the commitees and in the plenary,” ani Villafuerte.