CEBU CITY – Ipinaubaya na ni former Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. sa kanyang legal counsel ang plano at nararapat gawin kaugnay sa sinasabing massive vote buying sa probinsya ng Bohol nitong nakaraang halalan.
Ito ay matapos matalo si Evasco sa gubernatorial race laban kay incumbent Cong. Arthur Yap ng mahigit 3,000 boto.
Pinaninindigan ni Evasco na may naganap na vote buying noong Mayo 13 kung saan maging mga supporters niya ay binayaran umano ng aabot sa P5,000.
Tinawag pa ng dating Cabinet secretary na may “SRP” (standard retail price) ang talamal na bilihan ng boto sa kanyang lugar.
Ang kanyang legal team na lang umano ang bahala sa pangangalap ng ebidensya para sa kasong inihahanda nila laban sa kampo ni Yap.
Patuloy namang kinukuha ng Bombo Radyo Cebu ang panig ni incumbent Rep. Yap kaugnay sa naturang paratang.