-- Advertisements --
calabarzon2

Mariing itinanggi ng pamunuan ng Police Regional Office -4A Calabarzon ang alegasyong “tanim-ebidensiya” kaugnay sa ikinasa nilang regionwide police operations laban sa mga communist terrorist groups kung saan siyam ang patay, anim ang arestado habang siyam ang at large.

Ikinasa ang mga nasabing sa probinsiya ng Cavite,Laguna, Batangas at Rizal.

Ayon kay PNP PRO-4A regional Police Director BGen. Felipe Natividad walang katotohanan ang alegasyon ng ilang grupo na “tanim-ebidensiya” ang ginawa ng mga pulis lalo na duon sa mga inarestong indibidwal.


Sinabi ni Natividad, legitimate ang kanilang operasyon at ang mga nahuling personalities ay positibong tinukong ng kanilang intelligence report at isinailalim sa malalimang verification at validation kung saan natukoy ang kanilang involvement sa rebeldeng grupo.


Mahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 at RA 9516 ang anim na nahuling indibidwal.


Isinailalim na rin ang mga ito sa booking process at medical examination.


Tumanggi muna si Natividad na pangalanan ang anim na indibidwal na nahuli sa kanilang operasyon.


Samantala, nilinaw naman no PRO-4A Calabarzon spokesperson Lt. Col. Chitadel Gaoiran na ang target ng kanilang operasyon ay ang mga indibidwal na sakop sa inilabas na search warrant ng korte.