Hindi raw ipipilit ng Department of Trade and Industry (DTI) hirit ng mga itong sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba ang alert status sa National Capital Region (NCR).
Una na kasing hiniling ng grupong ibaba ang Alert Level 2 sa Alert Level 1 ngayong Disyembre ang Metro Manila sa kabila ng mga naitatala pa ring kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, kontento at maayos naman daw ang sitwasyon sa ngayon sa ilalim ng Alert Level 2.
Paliwanag ng kalihim, halos kumpleto na rin naman ang kasalukuyang status, dahil nasisilbihan na ang maraming consumers, lalo’t may dagdag namang 10 percent sa mga establishimentong may safety seal.
Gumaganda na rin umano ang takbo ng ekonomiya, kasabay ng pag-iingat para sa mga taong lumalabas ng bahay para mamili at magtrabaho.
Inaasahang maglalabas ng bagong alert level status sa pagpasok ng susunod na taon.