Walang magaganap na mas maluwag na alert level hanggang sa matapos na ang taong 2021.
Sa MalacaƱang press briefing, inanunsiyo ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na mananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa buong bansa hanggang sa katapusan na ng Disyembre.
Ayon kay Sec. Nograles, ito ang napagdesisyunan kaugnay ng meeting kahapon ng Inter Agency Task Force (IATF) kung saan pinagtibay ang pananatili ng Alert Level 2.
Kasama rin sa pinagtibay ng IATF ay ang pagpapahintulot nang makapagbukas ang mga sabungan sa gitna ng pagpapatuloy ng Alert Level 2.
Pero pagbibigay-diin ni Sec. Nograles, 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat na fully-vaccinated.
Bawal din ang palitan ng pera at sa halip ay papairalin ang cashless transaction sa hanay ng mga parokyano ng sabong.
Dapat din aniyang may “go signal” ang lokal na pamahalaan para sa posibilidad na muling magbukas ang iba’t ibang cockpit venues.