-- Advertisements --
dolomite people crowd residents

Posible umanong ilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 status sa susunod na buwan basta’t mapanatili lang ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) response sa Metro Manila.

Sinabi ni Department of Health (DoH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng ibaba ang alert level status sa NCR kung patuloy din ang pagbaba ng COVID-19 cases at hospital admissions.

Aniya, sa ngayon ay bumababa naman daw ang mga kaso ng covid sa Metro Manila pero mayroon pa rin silang ginagamit assumptions kapag gagawa ng kanilang projections.

Kabilang daw dito ang detection ng nakamamatay na virus hanggang sa isolation ng mga dinapuan ng naturang sakit na tumatagal ng apat na araw.

Dahil dito, hinihiling ni Vergeire sa lahat na mag-ingat at sumunod pa rin sa mga health protocols na itinakda ng ating pamahalaan.

Sa ngayon ang average number ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay nasa 967 at ito ay ang seven-day moving average.

Dagdagh ni Vergeire maging ang healthcare utilization rate sa NCR ay bumaba na rin.

“Hopefully by November we can be able to de-escalate and open up our economy,” ani Vergeire.

Sa ilalim naman ng Alert Level 2, ang mga establishments o mga aktibidad ay papayagan nang mag-operate ng maximum na 50 percent para sa mga indoor venue para sa mga fully vaccinated individuals.

Papayagan naman ang outdoor venue capacity ng 70 percent para sa mga 18-anyos pababa at mga hindi pa bakunado.

Pero ang mga empleyado ng mga establisimiyento ay kailangang fully vaccinated.

Kailangan pa rin namang ipatupad ang minimum public health standards sa naturang mga lugar.