Mas pinahigpit na Alert Level System ang sasalubong sa buong National Capital Region sa pagpapalit ng taon.
Nakatakda kasing isailalim sa Alert Level 3 ang buong Metro Manila simula sa January 3 hanggang January 15.
Ito ay kasunod nang muling pagpalo ng mga kaso ng COVID-19 at matapos na matuklasan ang tatlong local cases ng Omicron variant sa Pilipinas.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, ang muling pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nasabing virus ay dahil sa pagtaas din ng bilang ng paggalaw ng mga indibidwal na ngayong holiday season at pagbaba ng pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standards ng pamahalaan.
Dahilan kung bakit agad na napagdesisyunan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na muling itaas sa Alert Level 3 ang alert level classification ng rehiyon.
Sa ilalim ng Alert Level 3, ang intrazonal at interzonal travels ay subject sa “reasonable restrictions” na maaaring ipatupad ng mga local government units.
Pahihintulutan naman ang paglabas-pasok ng mga indibidwal na may edad na 18 anyos at mga kabilang sa vulnerable population basta ito ay para sa essential goods at services, maging ang pagpasok sa kanilang mga trabaho.
Sa ilalim ng Alert Level 3 ay ipagbabawal ang mga sumusunod na mga aktibidad at establisyemento:
-face-to-face classes sa basic at higher education
-contact sports
-perya
-karaoke bars, club, concert halls, theaters
-casinos, horse racing, pagsasabong, lottery, betting shops at iba pang mga gaming establishments bukod sa mga pahihintulutan ng IATF o ng Office of the President
-Social gatherings kung saan ang mga indibidwal ay hindi kabilang sa iisang sambahayan
Papayagana naman ang 30% indoor venue capacity para sa mga bakunadong mga indibidwal habang 50% naman ang pahihintulutan pagdating sa outdoor capacity sa mga sumusunod:
-cinemas
-meetings, incentives, conferences, exhibitions
-social events such wedding parties, engagements, debut, birthday parties
-tourist attractions including libraries
-amusement parks
-recreational venues
-in-person religious gatherings
-licensure exams
-dine-in services
-personal care services
-fitness studios, non-contact sports
-film, music, TV production
Ang mga necrological services, lamay, inurnment, at libing ay papayagan din habang ang trabaho sa mga ahensya ng gobyerno at instrumentalities ay papayagan on-site ng hanggang 60% capacity lamang.
Samantala, sinabi din ni Nograles na inatasan na ng IATF ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at National Vaccination Operations Center (NVOC) na magsagawa pa ng mas pinahigpit na mga alituntunin para naman sa mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.