Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 o ang high level of Volcanic Unrest sa Bulkang Mayon batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ayon sa naturang ahensya , muling nagkaroon ng mabagal na pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan na may habang 2.23 km sa Mi-isi Gully habang 1.3k km naman sa Bonga Gully.
Naitala rin ang ilang pagguho ng lava na umabot hanggang 3.3 km at 4 km sa Basud Gully mula sa crater ng bulkang Mayon.
Iniulat rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang naitalang 66 volcanic earthquake sa paligid ng bulkan.
Habang nagkaroon rin ng nass 254 na rockfall events, 17 dome collapse pyroclastic density current events sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Samantala , patuloy pa ring ipinagbabawal ng naturang ahensya ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone.
Mahigpit rin ang paalala ng ahensya na bawal muna ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkang Mayon.