-- Advertisements --
Screenshot 2019 04 21 01 30 39
IMAGE | DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.

Itinaas na sa Alert Level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasto ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Libya.

Ito’y sa gitna pa rin ng lumalang tensyon sa capital city ng Tripoli dahil sa civil war.

Sa isang online post kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang pagtataas pa ng DFA ng alerto sa mga Pilipinong manggagawa.

Sa ilalim ng Alert Level 4, mandatory na ang evacuation ng mga OFW sa Libya.

Batay sa datos ng DFA nasa 32 Pinoy workers na ang boluntaryong lumapit sa repatriation program ng Embahada ng Pilipinas.

Tinatayang nasa 1,000 naman ang populasyon ng mga OFW sa Tripoli.