Posible umanong ibaba pa sa mas maluwag na quarantine classification ang Metro Manila matapos ang Alert Level 4 na pinaiiral ngayon.
Ginawa ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ang assessment bunsod nang pagganda pa umano ng COVID-19 indications sa NCR.
Umaasa si Abalos na gaganda pa ang sitwasyon sa Metro Manila sa ikalawang linggo ngayon ng implentasyon ng Alert Level 4 na magtatapos ng Sept. 30.
Tinukoy naman ni Abalos ang datos mula sa OCTA research group kung saan ang reproduction rate raw mula sa dating 1.90 noong August 8, ngayon namang nakalipas na Sept. 22 ay bumaba pa ito sa 1.03.
Inihalimbawa pa ng MMDA chief na posibleng ibaba pa sa Alert Level 3 ang Metro Manila.
Kung mangyari ito ay papayagan na ng hanggang 30 porsyento ang kapasidad ng mga establisyemento.
Sa ngayon naman aniya ang halos mga negosyo ay bukas na rin tulad na lamang ng mga restaurants na dapat ay nasa 10 porsyento lamang habang 30 percent naman ang outdoor.