Pinalawig pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang implementasyon Alert Level System sa National Capital Region ng hanggang Oktubre 15, 2021.
Kasabay din nito ay dinagdagan ng IATF ang indoor capacity ng 10 percent sa dine-in services, in-person religious services at personal care services sa mga lugar na nasa Alert Level 4 na limitado lamang sa mga fully vaccinated individuals.
Inaprubahan din sa pagpupulong ng IATF ang muling pagbubukas ng mga fitness studios at gyms na mayroong limitadong bilang na 20 percent para sa mga fully vaccinated individuals at dapat ang mga empleyado din ng gym ay bakunado na rin.
Mayroong karagdagang 10 percent na capacity ang mga establishimento na nabigyan na ng mga Safety Seal Certification.
Inilagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Oktubre 1-15 ang mga sumusunod na lugar: Kalinga Apayao, Batanes, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Naga City at probinsiya ng Iloilo.
Ang mga lugar naman na inilagay sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Oktubre 1-31 ang Abra, Baguio City, , Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, Bohol, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental, Butuan City at Surigao del Sur.
Ang Davao de Oro ay nakalagay sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions mula Oktubre 1-15, 2021.
Nasa ilalim naman ng GCQ mula Oktubre 1-31 ang mga sumusunod sa Luzon: Ilocos Norte, Dagupan City, Benguet, Ifugao, Tarlac, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Albay, at Camarines Norte.
Sa Visayas: Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, at
Tacloban City.
Habang sa Mindanao na nasa GCQ ay ang Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Cotabato City at Lanao del Sur.
Ang mga natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MCGQ) mula Oktubre 1-31.