-- Advertisements --

Ibinaba na ng Phivolcs ang alert level ng Taal Volcano.

Mula sa dating Level 3 ay nasa Level 2 na ito ngayon.

Ayon sa Phivolcs, bumaba na ang ibinubugang volcanic gas ng nasabing bulkan.

Paglilinaw pa ng ahensiya, ang pagbaba ng Alert Level 2 ay hindi dapat na ituring na bumaba na ang pangamba sa pagsabog ng bulkan.

Nagbabala pa rin ang Phivolcs na maaari pa rin nilang ibalik sa Alert Level 3 ang Taal Volcano kapag bumalik muli ang aktibidad nito.