Ipapatupad na rin ang pilot alert level system sa mga lugar sa labas ng Metro Manila epektibo ngayong araw ng Miyerkules Oktubre 20.
Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na Ilalagay sa alert level 4 ang Negros Oriental at Davao Occidental, isasailalim naman sa alert level 3 ang probinsiya ng Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, at Davao del Norte.
Sa ilalim naman ng alert level 2 ang Batangas, Quezon province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-lapu City, Mandaue City, Cebu province, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Oriental.
Magtatagal ang alert level classification sa mga nabanggit na lugar hanggang Oktubre 31.
Nauna ng ipinatupad ang pilot run ng alert level system sa buong Metro Manila noong Setyembre 16.
Kasalukuyang niluwagan sa alert level 3 ang alert status sa rehiyon dahil sa downward trend ng COVID-19 cases sa NCR.