-- Advertisements --

Ipapatupad na simula ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Systems sa buong bansa.

Ayon kay DILG undersecretary Epimaco Densing na ang nasabing sistema ay nakatuon sa mga granular o localized lockdowns imbes na sa dating citywide o regional lockdowns.

Nauna ng inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng COVID-19 Alert Level System sa buong bansa.

Base sa Executive Order 151 na inilabas ng Pangulo na ang sistema na ipapatupad sa apat na bahagi.