-- Advertisements --

Alam umano ni Assunta De Rossi na nagbibiro lang ang kanyang kapatid at kapwa aktres na si Alessandra nang sabihing nagprisinta ito na maging surrogate mother.

Ayon sa 37-year-old actress, nakaka-touch pero una sa lahat ay hindi pa pinapayagan ang surrogacy sa Pilipinas, at dapat ay mayroon nang kahit dalawang anak ang magiging surrogate mom.

Una rito, willing umano ang 36-year-old actress na siyang magdalang-tao para sa kanyang ate Assunta kung saan libre lamang lalo’t tila wala naman daw patutunguhan ang kanyang buhay.

Nabatid na babae ang panganay nina Assunta at asawang si dating Negros Occidental Representative Jules Ledesma na “20 years in the making” kaya tinawag na “miracle baby.”

Bukod pa ito sa pagkakaroon niya ng myoma at endometriosis.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may dalawa ng anak ang dating mambabatas mula sa yumaong asawa noong 2000 na sina Cristina, 29, at Carlos na 24-anyos na