-- Advertisements --
Agad gumawa ng impresibong panalo ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos niyang dominahin ang laban nila Taylah Preston sa quarterfinals ng WTA Canberra International.
Nagawa ni Eala na talunin ang kalaban sa tatlong magkakasunod na set, 4-6, 6-2, 6-1.
Sa kabuuan, nakakuha si Eala ng 88 points habang 73 lamang kay Preston.
Muling ipinakita ng world no. 147 ang kaniyang magandang performance sa kabuuan ng laban, daan upang makapasok siya sa semifinals at tuluyang lumapit sa kaniyang unang title ngayong 2025.
Sa semis, posibleng makakaharap niya ang pambato ng China na si Wei Sijia o kung hindi man ay ang kinatawan ng Switzerland na si Simona Waltert.