-- Advertisements --

Nabigo ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa Round of 16 ng WTA 125 Oeiras laban kay Panna Udvardy ng Hungary, 6-7 (4-7), 4-6, sa Portugal.

Bagama’t siya ang top seed sa torneo, kung saan maituturing na milestone sa kanyang pro career, nagsimula siyang matamlay laban sa mas senior na kalabang si Udvardy.

Naunahan siya nito sa first set at natalo sa tiebreak.

Bumawi naman si Eala sa ikalawang set, ngunit nanaig pa rin si Udvardy sa huling dalawang laro upang makuha ang panalo sa straight sets.

Ang pagkatalo ay kasunod ng maagang pagkalaglag ni Eala sa doubles competition, na nagtapos sa kaniyang kampanya sa Oeiras, ang unang clay court tournament niya ngayong season.

Sa kabila nito, nakatakda siyang maglaro sa WTA 1000 Madrid mula Abril 21 hanggang 27, kung saan muling inaasahang magpapakitang gilas sa court.