-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa ITF 1st Empire Women’s Indoor 2025 na ginanap sa Trnava, Slovakia.

Tinalo siya sa ikalawang round ni Celine Naef ng Switzerland sa score na 4-6, 6-2, 6-3.

Naging pamilyar na sa isa’t-isa ang dalawa dahil nagkaharap na sila sa 2023 WTA Canberra Challenger qualifying round.

Sa unang set ay nakuha ni Eala ang panalo subalit pagpasok ng ikalawang round at ikatlong round ay mas pinalakas ng Swiss tennis player ang kanilang serve at hindi na nakabawi pa si Eala.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na pagkatalo ng 19-anyos na Pinay tennis star ngayon 2025.