-- Advertisements --

Bigo ang 19-year old Pinay tennis sensation na si Alex Eala na talunin ang Rank 4 tennis veteran na si Jessica Pegula sa kanilang Semi-Final Match sa WTA 1000 Miami (7-6 | 5-7 | 6-3).

Nangyari ang paghaharap nila ngayong Biyernes, Marso 28, 2025 (oras sa Pilipinas).

Naging makasaysayan ang ipinamalas na performance ng 19-anyos na si Eala matapos ang sunod-sunod na tatlong Grand Slam champion sa nasabing tournament.

Susuriin naman ng mga manggagamot ang kaliwang paa ng Pinay dahil sa pananakit nito habang isinasagawa ang match.

Samantala, bumuhos pa rin ang mga pagbati para kay Alex mula sa mga fans nito sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa.

Maging ang ilang sports enthusiast ay hindi rin napigilang humanga sa performance ng Pinay tennis sensation.