Bigong umusad sa finals ng WTA Canberra International si Filipino tennis star Alex Eala matapos siyang talunin ng Chinese player na si Wei Sijia sa kanilang semifinal match sa Australia.
Sa unang set ay gumawa pa si Eala ng impresibong performance ngunit tuluyan din siyang pinabagsak ng world no. 132 – 7-5, 6-2.
Dahil dito, hindi na uusad si Eala sa Finals ng WTA 125 na unang nagsimula ang qualifying rounds noong December 2024.
Sa naturang torneyo, nagawa ni Eala na pabagsakin ang ilang magagaling na tennis player na kinabibilangan nina Sinja Kraus sa Round of 32 at Arianne Hartono sa Round of 16
Sa pag-usad niya sa quarterfinals, nagawa niyang patumbahin ang pambato ng Australia na si Taylah Preston, 4-6, 6-2, 6-1.
Si Eala ang world no. 147 sa women’s tennis world ranking.