-- Advertisements --

Handang-handa na si Pinay tennis star Alex Eala para sa ikalawang round ng US Open Qualifiers.

Kasunod ito sa panalo niya laban kay Maddison Inglis sa first qualfying match sa scores na 6-3, 2-6, 6-1.

Sa unang round ay walang kapagod-pagod si Eala dahil sa dominado nito ang laro.

Pagpasok ng ikalawang set ay bumawi ang Australian player subalit sa ikatlong round ay doon tinambakan ni Eala ang kalaban at nakuha ang panalo.

Kailangan lamang ni Eala na World Number 44 ng dalawang panalo sa qualifying round para makapasok sa main draw ng torneo.

Magugunitang naging maganda ang performance ni Eala noong Wimbledon at French Open.

Susunod na makakaharap nito si World 99 Nuria Parrizas-Diaz na gaganapin ngayon umaga ng Huwebes.