-- Advertisements --

Mahaharap sa malaking hamon si Pinay tenns sensation Alex Eala sa pagsabak nito sa Australian Open qualifiers.

Ito ay dahil sa nakatakda nitong makalaban si Jana Fett ng Croatia sa opening round sa dakong ala-7 ng umaga sa araw ng Martes oras sa Pilipinas.

Ang 28-anyos kasi na Croatian tennis star ay ranked number 27.

Magiging matindi ang nasabing laban dahil three-round qualifying phase lamang ito na sasalihan ng 128 na manlalaro.

Sakaling palarin ito ay makakaharap niya sa susunod na round ang sinumang manalo sa pagitan nina Victoria Hrunkacova ng Slovakia at Sinja Kraus ng Austria.

Nasa pang-147 ranked ng Women’s Tennis Association si Eala habang si Fett ay nasa pang 136.