-- Advertisements --

Kakaibang achievement sa kaniyang career na maituturing ni Pinay tennis star Alex Eala matapos na ito ay mapabilang sa main entry list ng 2025 French Open sa susunod na buwan.

Ito ang unang pagkakataon na makakapaglaro si Eala sa Grand Slam bilang professional.

Kahit na nasa ranked 72 ng WTA si Eala ay nasa ranked 74 pa rin ito sa listahan ng Frenc Open.

Kabilang na maaring makaharap niya ang mga pamilyar na tinalo ni Eala gaya nina four-time French Open champion Iga Swiatek ng Poland na tinalo nito sa Miami Open.

Habang nasa ranked number 1 ng French Open naman si Aryna Sabalenka.

Magugunitang naging mainit ang pangalan ni Eala matapos na makapasok ito sa semifinals ng Miami Open nitong nakaraang mga linggo.