-- Advertisements --

Kabilang sa Women’s Tennis Association “Rally the World ” campaign si Pinay tennis player Alex Eala.

Makakasama ng 19-anyos na tennis star ang mga malalaking pangalan sa tennis.

Siya rin ang tanging Filipina na manlalaro sa WTA Tour.

Sinabi nito na labis siyang natutuwa dahil sa pagrepresenta niya sa bansa at natatanging Pinay sa nasabing torneo na isang malaking bahagi sa kaniyang pagkakakilanlan.

Ilan sa mga sikat na tennis player na kabilang sa listahan ay sina Coco Gauff, Karolina Muchova, Meera Andriva ,Victoria Azarenka, Elina Svitolina, Xinyu Wang at Erin Routliffe.